--Ads--

Nagtapos sa ikaapat at labintatlong pwesto sa women’s individual stroke play ng Paris 2024 Olympic Games sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.

Naiuwi naman ni Lydia Ko ng New Zealand ang gintong medalya habang ang pilak na medalya ay nakuha ni Esther Henseleit ng Germany. Tansong medalya naman ang naiuwi ni Lin Xiyu Janet ng China.

Tumapos si Bianca sa 43rd sa nakaraang Tokyo Olympics at maganda ang ipinakita sa pang-apat na pwesto nito sa Paris.

Si Dotie naman ay pang 56th sa Olympic Qualification Ranking at tumapos sa bilang panglabintatlo.

--Ads--

Ang pagtatapos ng laro nina Pagdanganan at Ardina ay hudyat din ng pagtatapos ng kampanya ng Pilipinas sa Paris Olympics.

Tumapos ang Pilipinas na may dalawang ginto mula kay Gymnast Carlos Yulo at dalawang tansong medalya mula kina Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas.