--Ads--

Nanawagan si Pope Leo sa mga obispo mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maghanap ng mga bagong paraan upang mas matulungan ang mga modernong pamilya.

Dumalo sa Vatican ang nasa 150 obispo mula sa mahigit 115 bansa para sa isang linggong pagpupulong tungkol sa mga aral ng Simbahang Katolika hinggil sa buhay-pamilya.

Inaasahang mapag-uusapan ang ilang sensitibong isyu tulad ng pagtanggap sa LGBT Catholics at sa mga diborsiyado at muling nag-asawa, bagama’t hindi ito kabilang sa pormal na agenda.

Hinimok ni Pope Leo ang mga obispo na makinig sa isa’t isa, kilalanin ang gawain ng Diyos sa mga mananampalataya at magkaroon ng tapang na sundin ang Kanyang kalooban.

--Ads--

Ang pagpupulong ay bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Amoris Laetitia, isang dokumentong inilabas ni yumaong Pope Francis na nanawagan ng higit na malasakit sa mga Katolikong nasa hindi perpektong sitwasyon.

Sinabi rin ni Pope Leo na kailangang kilalanin ng Simbahan ang biyaya kahit sa mga sitwasyong may limitasyon, sugat at tila kabiguan.