--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang Public Order and Safety Division (POSD) sa mga namamasadang tricycle na sumunod sa ipinapatupad na pamasahe na nakabatay sa kanilang taripa sa Cauayan City.

Ito ay matapos makatanggap ang POSD ng halos sampong reklamo ng overcharging araw araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni POSD Chief Pilarito Mallllin na nakasaad sa taripa na P13 ang minimum fare.

Nilinaw niya na noong kasagsagan ng pandemya na isa lamang ang maaring isakay ng tricycle ay ginawang P20 ang minimum fare ngunit temporary lamang ito.

--Ads--

Ngayon at naging level 1 na ang Isabela at inalis na ang number coding scheme at maari nang magsakay ng 100% capacity ay ibinalik na sa P13.

Ngunit dahil sa mataas na presyo ng gasolina ay ginawang P15 ang minimum fare ngunit ito ay provisional lamang.

Binalaan niya ang mga tsuper ng tricycle na naniningil ng P30 hanggang P40 sa Poblacion area at ang umanoy naniningil ng halosP200 sa labas ng Poblacion.

Dapat lamang anyang iwasan ng mga tsuper ng namamasadang tricycle ang mag-overcharge ng pasahe upang makaiwas sa multa.