--Ads--
Nagpatupad ngayong Martes, Mayo 19, ng panibagong oil price hike ang ilang kumpanya ng langis kung saan halos P3 ang itinaas sa presyo ng diesel.
Batay sa abiso ng Shell Pilipinas, tumaas ng P2.82 kada litro ang presyo ng diesel habang may dagdag namang P1.21 kada litro sa gasolina. Samantala, bumaba naman ng P2.11 kada litro ang presyo ng kerosene.
Nagpatupad din ng kaparehong taas-presyo ang Unioil kung saan nadagdagan ng P2.82 kada litro ang diesel at P1.21 kada litro ang gasolina.
Ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay inaasahang muling magpapabigat sa gastusin ng mga motorista at sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
--Ads--










