
CAUAYAN CITY – Itinuturing na isolated case ng COMELEC Tabuk City, Kalinga ang reklamo ng mag-asawa na iba ang lumabas sa vote counting machine (VCM) na kanilang ibinoto sa pagka-presidente.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. John Paul Martin, Election Officer ng Tabuk City, na batay sa kanyang pagsisiyasat ay kinumpirma ng Electoral Board na may mag-asawang bomoto sa Tabuk Ciy na ang ibinoto ay si Presidential Candidate Bongbong Marcos ngunit ang lumabas sa papel mula sa VCM ay si Presidential Candidate Leni Robredo.
Ang ginawa ng namamahala sa polling precinct ay inilista ang naturang pangyayari upang ipa-audit kung kailangan.
Hindi naman nila maaaring buksan ang VCM upang tingnan ang ibinoto ng naturang mga botante.
Maari ring iba ang na-shade ng nag-assist sa botante.
Sa ngayon ay kailangan pa nilang i-verify ang naturang pangyayari.
Isolated naman ang naturang pangyayari at wala nang iba pang napaulat na kahalintulad na pangyayari sa ibang mga polling precinct.










