--Ads--

Personal na pupunta sa Mandaluyong City si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla upang humingi ng paumanhin sa isang lalaki na inaresto ng mga pulis habang nakahubad at naghahalo ng semento sa kanilang bakuran.

Aminado si Remulla na naging kakulangan niya ang hindi pagbibigay ng malinaw na direktiba kaugnay ng pagpapatupad ng safer cities initiative.

Ayon sa kanya, siya ang may pananagutan sa hindi mas malinaw na gabay sa operasyon ng naturang programa.

Nakatakda namang magpulong ngayong araw ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang rebisahin at ayusin ang mga alituntunin ng naturang polisiya.

--Ads--