--Ads--

No show muli si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y honey trap o sex scandal plot laban kay Executive Secretary (ES) Ralph Recto.

Nagpadala lamang ang mambabatas ng kanyang abogado sa tanggapan ng NBI.

Dakong alas-9:30 kaninang umaga nang dumating ang dalawang abogado at nagtungo sa NBI-National Capital Region (NCR).

Wala namang komento ang mga abogado kung nasaan at kumista na ang bagitong mambabatas.

--Ads--

Una rito, kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag na umalis ng bansa ang mag-inang Leandro Leviste at Sen. Loren Legarda noong August 2 na kapwa France ang destinasyon.

Sa mga lumabas sa impormasyon, si Leviste ang umano’y financier ng tangkang pag-set up kau ES Recto habang si dating Rep. Jing Paras ang sinasabing facilitator.