--Ads--

Nasawi ang isang rider matapos na mabangga ng bus sa pambansang lansangan na sasakupan ng barangay Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Anthony Ayungo, Hepe ng Solano Police Station sinabi niya na ang bus ay patungo sa Sampaloc at nang makarating sa Solano ay aksidente nitong nabangga ang motorsiklo na minamaneho ni Julius Dela Cruz na patawid sa highway.

Agad na rumesponde ang PNP Solano subalit idineklarang dead on arrival ang biktima sa R2TMC.

Aniya, well lighted naman sa lugar subalit sharp curve ito kaya hindi  nakita ng driver ng bus ang tumatawid na motorsiklo.

--Ads--

Ang driver ng bus ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng pulisya na mahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.