CAUAYAN CITY- Nagsasagawa ng programa pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng mga programa na naglalayong isulong ang road safety katuwang ang public order and Safety Office.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Joey Tejada, Public Services Officer 2 ng ISMART Focal Person, sinabi niya na kada buwan ay nagtutungo sila sa iba’t ibang mga bayan at nagbibigay ng mga leaflets kaugnay sa tamang pagbaybay sa mga kakalsadahan upang makapagpakalat ng mga impormasyon na makatutulong sa mga motorista.
Maliban sa pamamahagi ng mga leaflets ay nagsasagawa rin sila ng mga symposium.
Pwede rin aniyang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang anumang grupo o paaralan na nagnanais na mag-organisa ng mga road safety seminar para makapaghatid sila ng kaalaman sa publiko.
Samantala, mayroon ding mga deputized personnel ng mga Land Transportation Office mula sa ISMART na katuwang nila sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Umiikot aniya ang mga ito mula bayan ng Cordon hanggang Santo Tomas upang mabantayan nila ng maigi ang kakalsadahan.
Nilinaw naman niya na huwag dapag matakot ang mga motorista kapag may nakita silang deputized na ISMART sa daan dahil tinutulungan lamang ng mga ito ang mga motorista na maging disiplinado sa pamamagitan ng pagtiyak na nakasusunod ang mga ito sa batas.
Kailangan kasing ma-educate ng tama ang mga motorsita para magkaroon ang mga ito ng disiplina na sumunod sa mga alituntunin.