--Ads--

CAUAYAN CITY– Isinailalim sa State of Calamity ang bayan ng Roxas, Isabela dahil sa dengue outbreak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Jonathan Jose Calderon ng Roxas, Isabela na mula noong Enero hanggang Agosto 3, 2019 ay umabot na 135 na kaso ng dengue at apat na ang kumpirmadong namatay, karamihan ay mga bata.

Sinabi niya na ang normal threshold ay walong kaso ng dengue sa loob ng isang linggo ngunit umabot ng 12 kaya nagpasyang silang isailalim sa State of Calamity ang kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Calderon, sa 26 na barangay ng Roxas ay nagtala ang mga barangay ng Sotero Nuesa at Muñoz ng pinakamaraming kaso at kanila na itong isinailalim sa fogging operation.

--Ads--
Ang tinig ni Mayor Jonathan Jose Calderon

Sinabi naman ni Vice Mayor Nick Sebastian na layunin ng pagdeklara nila ng state of calamity na makagawa ng paraan si Mayor Calderon upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng dengue sa kanilang bayan.

Ito ay upang magamit din ang 30% ng kanilang local disaster risk reduction and management fund na pambili ng mga insecticides at ilang kagamitan para sa pagpuksa ng mga lamok na carrier ng dengue.

Ang tinig ni Vice Mayor Nick Sebastian