--Ads--

Nag-isyu ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 5th Division nitong Lunes, Hunyo 1, laban kay Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa P573 milyong plunder charge na inihain ng Office of the Ombudsman.

Ito ay sa kabila ng mosyon na inihain ng legal counsel ng senador na pumipigil sa pag-iisyu ng warrant.

Kasama sa co-accused ni Estrada sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at tatlo pang dating opisyal ng DPWH National Capital Region na sina District Engineer Manny Bulusan, District Engineer Arturo Gonzalez, Jr., at Assistant District Engineer Denryl Caesar Cortuna.


Haharap ang mga akusado sa Sandiganbayan 5th Division para sa kaukulang proseso ng kaso.Samantala, inaasahang susuko si Senador Jinggoy Estrada sa mga awtoridad sa Camp Crame, Quezon City.

--Ads--