Pinatibay ng PLDT High Speed Hitters ang kanilang tsansa sa qualifying round ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference matapos talunin ang Galeries Tower Highrisers sa tatlong sets na sa FilOil Centre, San Juan City.
Pinangunahan si Fil-Canadian Savi Davison na nagtala ng 21 points mula sa 18 attacks, dalawang service ace, at isang block. Nagdagdag naman si Mika Reyes ng 10 points, habang sina Alleiah Malaluan, Majoy Baron, at Kim Kianna Dy ay nagtala ng siyam, pito, at anim na puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa kasalukuyan, hawak ng PLDT ang 6-1 record at may three-game winning streak. Sa qualifying round, haharapin ng No. 1 team ang No. 4, habang sasagupain ng No. 2 ang No. 3; ang dalawang panalo ang direktang makakapasok sa semifinals. Ang mga koponang nasa posisyon 5 hanggang 10 ay maglalaro sa Play-In Stage upang makuha ang natitirang dalawang semis spots.
Nagpakitang-gilas rin si setter Kim Fajardo na nagtala ng 15 excellent sets, at si libero Kath Arado na may 13 excellent digs. Samantala, patuloy ang paghihirap ng Galeries Tower, na bumagsak sa kanilang ikatlong sunod na talo at walang manlalaro ang nakapagtala ng double-digit points.





