--Ads--
Sa dalawang pagkakataon, hiniling ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na makapagbigay ng privilege speech, ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon matapos agad na isuspinde ang sesyon.
Nais sana ni Leviste na ipaliwanag sa kanyang talumpati ang umano’y ugnayan nina Executive Secretary Ralph Recto at Construction Worker Solidarity Representative Edwin Gardiola, na tinukoy ng ICI bilang isa sa mga malalaking contractor ng DPWH sa Kongreso.
Bagama’t hindi natuloy ang kanyang privilege speech, iginiit ng mambabatas na ilalabas pa rin niya ang kanyang pahayag sa tamang panahon. Aniya, ang biglaang pagsuspinde ng sesyon ay maaaring magdulot ng mga tanong sa publiko kung may mga isyung iniiwasang mailahad sa plenaryo.











