Negatibo sa hantavirus ang lahat ng 38 Pilipinong crew member ng MV Hondius, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), matapos ang muling isinagawang pagsusuri.
Ayon sa DMW, nananatiling walang sintomas ang lahat ng mga Pilipinong tripulante at patuloy silang nasa ilalim ng mahigpit na medical monitoring habang nasa quarantine, na inaasahang magtatapos sa Hunyo 18.
Kinumpirma rin ng Oceanwide Expeditions na maayos ang kondisyon ng mga crew at patuloy silang tumatanggap ng tamang pangangalaga. Tiniyak din ng kumpanya na makatatanggap ang mga ito ng buong kompensasyon sa panahon at pagkatapos ng anim na linggong quarantine, at isasailalim sa repatriation kapag pinayagan na ng Dutch health authorities.
Nauna nang sinabi ng DMW na walang Pilipinong crew na nagpositibo sa virus, na naiulat na kumitil na ng tatlong buhay sakay ng cargo ship.











