Isang residente ng Colorado ang nasawi dahil sa hantavirus, ayon sa Colorado Department of Public Health and Environment, ngunit nilinaw ng mga opisyal na walang koneksyon ang kaso sa outbreak sa Dutch-flagged cruise ship na MV Hondius.
Ayon sa health authorities, karaniwan ang paglitaw ng hantavirus sa Colorado tuwing ganitong panahon at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy kung saan nanggaling ang exposure.
Karaniwang nakukuha ang hantavirus mula sa mga daga, bagama’t posible rin ang bihirang human-to-human transmission kapag may matagal at malapit na contact.
Samantala, dumaong na sa Rotterdam ang MV Hondius matapos maiulat ang outbreak noong unang bahagi ng buwan.
Tatlo na ang nasawi habang walong kumpirmado at dalawang probable cases ng hantavirus ang naitala kaugnay ng insidente sa barko, ayon sa World Health Organization.











