Hindi pa nakikita ng Department Of social Welfare and Development o DSWD Region 2 na kailangang ideklara na ang State of Calamity sa Lambak ng Cagayan sa kabila ng umiiral na El nino Phenomenon.
Sa isang punong balitaan inihayag ni Regional Director Lucia allan ng DSWD Region 2 na may mga programa na silang inilunsad una rito ang Project LAWA, BINHI at B-SPARED .
Aniya may iba’t ibang interventions kabilang ang seminars, information drive.
Maaaring makatanggap ng kaniya-kaniyang interventions ang mga benepisyaryo depende sa proyektong inilunsad ng LGU kung saan kabilang dito ang paggawa ng water reservoir, tree planting, vegetable planting, cropping education, at marami pang iba.
Ang nasabing mga proyekto ay naglalayong tulungan ang humigit kumulang sampung libong magsasaka na apektado ng El Nino Phenomenon sa pamamagitan ng cash for training na tatagal ng limang araw at cash for work na tatagal ng labing limang araw.
Sa loob ng dalawampung araw na magtatarabaho ang mga apekatadong residente ay makakatanggap sila ng 8,400 pesos na sahod.
Sa kabuuan ay mayroong 80,119,200 pesos na pondo ang nasabing mga proyekto.
Ang mga benepisyaryo ay magmumula sa dalawampu’t isang local government unit o LGUs sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Cagayan.
Pipiliin ang mga magiging benepisyaryo sa National House Targeting System Poverty Reduction ng Department of Social Welfare and Development.
Tiniyak ng DSWD na magiging maagap ang ahensya para sa pagtungon sa El Niño phenomenon.











