--Ads--

Naaresto ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa barangay District 3, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ren,” 28-anyos, street vendor at residente ng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, nadakip ang suspek matapos magbenta ng apat na heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihilanalang shabu sa isang pulis na posuer buyer.

Tinatayang may kabuuang timbang na 0.30 grams ang nakumpiskang droga na may tinatayang halaga na 3,000 pesos.

--Ads--

Narekober din sa sa suspek ang isang genuine 500 peso bill,  limang piraso ng boodle money na tig-500 pesos at ilang personal na gamit ng suspek.

Dinala naman ang suspek sa pagamutan para sa pisikal na eksaminasyon bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 article 2 ng Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.