Magsasagawa ng panibagong tatlong araw na transport strike simula bukas ang transport group na Manibela, bilang protesta sa patuloy na pagdurusa ng mga tsuper sa gitna ng krisis sa enerhiya.
Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, layunin ng kilos-protesta na ipanawagan ang pagtigil sa umano’y pang-aabuso ng pamahalaan sa sobrang koleksyon ng buwis.
Dapat ibaba ang presyo ng gasolina at diesel sa ₱50 hanggang ₱60 kada litro, dahil ito umano ang tunay na halaga ng produktong petrolyo na nabayaran na sa mga oil shipment.
Alisin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa mga produktong petrolyo, dahil patuloy umanong “nabubulag” ang pamahalaan sa mataas na koleksyon ng buwis.
Bagama’t nagkaroon ng dalawang sunod na fuel price rollbacks, iginiit ni Valbuena na hindi pa rin sapat ang pagbaba ng presyo upang maibsan ang bigat na pasan ng mga tsuper at commuters.











