Sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang isang indibidwal na kabilang sa Top 2 Most Wanted Persons sa antas ng rehiyon kaugnay ng kasong pagpatay.
Kinilala ang akusado na si alyas Romy, 62 taong gulang, may asawa, driver, at residente ng Purok 4, Brgy. Anonang, Cordon, Isabela.
Isinagawa ang operasyon ngayong Mayo 3, 2026 sa naturang lugar sa pangunguna ng Cordon Municipal Police Station (MPS), katuwang ang PIU-Isabela Police Provincial Office, RIU2 CIT Santiago City, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, at RMU2. Matagumpay na naiserbisyo ang Warrant of Arrest laban sa akusado na may petsang Marso 25, 2026, na may kasong Murder at walang inirekomendang piyansa.
Sa isinagawang pag-aresto, maayos na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine, kaagad namang isinagawa ang dokyumentasyon sa himpilan na nabanggit bago ang pag-turnover sa korte na naglabas ng warrant.
Ipinakita ng operasyong ito ang matibay na koordinasyon at dedikasyon ng iba’t ibang yunit ng PNP sa pagpapatupad ng batas at paghahatid ng hustisya.
Ang pagkakaaresto sa isa sa mga most wanted na personalidad sa rehiyon ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na tugisin ang mga lumalabag sa batas at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.











