CAUAYAN CITY – Matinding paghahanda ang dinaanan ng Dalawang top finisher na mula sa Lalawigan ng Isabela sa katatapos na Boss Ironman Endurance Challenge Luzon Leg.
Kapwa mula sa Isabela ang top Finisher sa Motorcycle at 4-wheel Category.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Zhedric Sadac ang Top 1 Finisher ng Boss Ironman Endurance Motorcycle Challenge na mula sa San Manuel, Isabela na labis ang kaniyang excitement dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasali sa Boss Ironman Endurance Challenge.
Aniya bagamat sobrang excited ay mas inisip niya ang makarating ng ligtas sa finish line dahil hindi naman niya pinuntiryang maging number 1.
Unang checkpoint pa lamang ay naabutan na niya ang ilang nakapasok sa top 10 hanggang sa magawa niyang makapag maneho ng mas maayos at tuluyang nalampasan ang mga Boss Ironman at naunang nakarating sa Sanchez Mira checkpoint.
Nagsimula ang endurance challenge ng alas-nuebe trenta’y dos ng gabi para sa Lane splitter at natapos niya ang buong endurance Challenge sa loob ng labintatlong oras.
Samantala, sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, hindi rin inasahan ni Ivan Rillera ang top finisher para naman sa four wheels category ang naging resulta ng Boss Ironman Endurance Challenge sa kabila ng mga aberya sa daan dahil nasiraan sila ng breakpads.
Aniya makailang ulit silang na flatan ng gulong habang bumabagtas sa bahagi ng aurora partikular sa Dinadiawan.
Dahil dito ay pinanghinaan sila ng loob ng makitang nalampasan na sila ng iba pang mga participants subalit sa hindi inaasahan ay sila ang naitala bilang top 1 finisher matapos sila ang unang makarating sa kanilang kategorya.











