--Ads--

Naaresto ng mga awtoridad ang No. 1 Provincial Most Wanted Person ng Isabela na nahaharap sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape sa Brgy. Maligaya, Tumauini noong Hunyo 2, 2026.

Ang nadakip na akusado ay isang 22 taong gulang at residente ng nasabing barangay.

Isinagawa ang operasyon ng Joint Tracker Team sa pangunguna ng Tumauini Municipal Police Station, katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya, upang isilbi ang Warrant of Arrest na inilabas noong Mayo 21, 2026 nang walang rekomendang piyansa.

Matapos basahan ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine, dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon bago i-turnover sa kaukulang korte.

--Ads--