CAUAYAN CITY- Matagumpay na nadakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Station 1 ang isang number 7 most wanted person city level na humigit kumulang 20-taong nagtago sa batas sa Barangay Nagasican, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Felimon Carabbacan Jr. Ang Hepe ng Santiago City Police Station 1, sinabi niya na matagumpay na naaresto ng pinagsanib pwersa ng Police Station 1, City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office, City Intelligence Team Santiago at Regional Enforcement Unit 2, si Alyas Bong sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hukom Donabelle Asuncion Bayot ng RTC Branch 36 Santiago City dahil sa kasong murder.
Sa ngayon ay suspek ay nasa kanilang pangangalaga para sa kaukulang disposisyon.
Aniya nasangkot ang suspek sa isang kaguluhan kasama ang kaniyang mga kapatid kung saan napatay nila ang biktima.
Sumuko at nakulong ang dalawang kapatid ng suspek subalit siya ay mas piniling magtago sa loob ng maraming taon kaya naglabas ang korte ng mandamiento de aresto para sa kaniya.
Muli ay nagbanta ang PNP sa mga taong nagbabalak na gumawa ng iligal at patuloy na nagtatago sa batas na sila ay mapapanagot dahil sa masigasig na pagsisikap ng PNP.