CAUAYAN CITY- Muling nanawagan ang Grupo ng transportasyon sa bansa na kanselahin pansamantala ang excise tax sa langis kasabay ng panibagong pagtaas sa presyo ng mg paroduktong petrolyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ariel Lim, Convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi niya na ito lamang ang nakikita nilang paraan para mapababa ang presyo ng langis sa bansa.
Apektado aniya ang mga nasa transport sektor kaya naman marami ang naghahain ng taas sa pasahe na na makakaapekto naman sa mga mananakay.
Giit nito na pansamantala lamang naman ang pagsuspinde sa excise tax at maaari rin itong ibalik kapag bumaba na ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Kapag nangyari ito ay makikinabang ang maraming sektor hindi lamang ang mga nasa hanay ng transportasyon kundi maging na rin ang presyo ng ilang mga produkto na inaangkat sa sa ibang mga bayan.
Masiyado kasi aniyang nakadepende ang Pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda tuwing may problemang kinakahrap ang bansa na hindi naman umano nakakarating sa lahat ng sektor at nagagamit lamang sa pamumulitika.
Bagama’t may mga nakakatanggap ng ayuda ngunit hindi naman ito nakatulong sa pagpapalago ng kabuhayan ng maraming mga mahihirap na Pilipino na nananatili pa rin sa laylayan.