--Ads--

Sugatan ang isang tricycle driver at kanyang pasahero matapos mabangga ng isang sasakyan sa isang hit-and-run incident na naganap sa Barangay San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Jay, 25 taong gulang at residente ng Marabulig II, Cauayan City. Ang kanyang pasahero naman ay si Nana, 24 years old, isang resto bar entertainer na kasalukuyang naninirahan sa Barangay San Fermin.

Batay sa paunang imbestigasyon, magkasunod na binabaybay ng dalawang sasakyan ang kalsada patungong poblacion ng Cauayan City nang mabangga ng isang kulay gray na Isuzu Crosswind ang likurang bahagi ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tsuper at pasahero nito. Agad naman silang isinugod ng rescue personnel sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas.

--Ads--

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang tsuper ng Isuzu Crosswind patungong Luna, Isabela. Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng tsuper at may-ari ng naturang sasakyan.