--Ads--

CAUAYAN CITY – Humihiling ng ayuda ang mga tricycle sa pamahalaang Lungsod ng Cauayan habang hindi pa inaaprubahan ang hiling nilag dagdag pasahe.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Romeo Oficial na malaking tulong sana sa kanila ang ayuda kung sakali dahil sa mataas pa rin ang presyo ng gasolina kaya hiling nila ang fuel subsidy.

Aniya bagamat nakakatanggap naman sila ng libreng bigas ay iba pa rin ang matatanggap nilang fuel subsidy lalo at matagal na rin nang huli silang nakatanggap nito.

Panawagan nila ang buwanang tulong at hindi taunan para sa kanilang mga namamasada.

--Ads--