--Ads--

Nagpahayag ng pakikiramay at kahandaang tumulong ang iba’t ibang pandaigdigang organisasyon at bansa, kabilang ang United Nations at Estados Unidos, para sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani nitong Hunyo 8.

Ayon sa UN, patuloy nitong tinataya ang pinsala at nakahanda itong makipagtulungan sa pamahalaan para sa relief at recovery, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa sa gitna ng krisis.

Samantala, sinabi ng United Nations Children’s Fund na nakaantabay ito sa pagbibigay ng tulong para sa mga bata at bulnerableng sektor, kabilang ang emergency supplies, health at nutrition support, at iba pang serbisyong pang-emerhensiya.

Patuloy namang mino-monitor ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas ang sitwasyon at nakahanda itong suportahan ang mga response efforts ng pamahalaan.

--Ads--