--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang isagawa ang Unity Walk/Interfaith Rally Candidate’s Forum and Peace Covenant Signing sa unang araw ng Oktubre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christopher Thiam, Election Officer ng lunsod, sinabi niya na magsisimula ang Unity Walk/Interfaith Rally Candidate’s Forum and Peace Covenant Signing ganap na alas sais ng umaga sa FLDY Coliseum.

Inaasahang dadaluhan ito ng lahat ng mga kandidato upang mabigyan ng kasagutan ang kanilang mga katanungan.

Aniya, sa pamagat pa lang ng programa ay makikita na ang hangarin nito na inaanyayahan ang lahat na magkaroon ng payapang halalan.

--Ads--

Sa pamamagitan din nito ay magkasundo-sundo ang lahat upang maging matiwasay ang darating na halalan.

Bukod sa mga lectures na kanilang ibabahagi ay maglalaan din sila ng oras upang ipagdasal ang mga kandidato.

Kasama aniya ang mga Religous Sectors sa naturang programa para ipanalangin ang mga kandidato na maging maayos, tahimik at payapa ang darating na halalan.

Samantala wala pa namang naiuulat na nahuhuling namimili ng boto sa lunsod na labis nilang ikinatutuwa.

Panawagan nito sa lahat na huwag subukang bumili o magbenta ng boto dahil mayroon itong kaparusahan.