Kinasuhan ng mga prosecutor sa United States si Sinaloa state Governor Ruben Rocha Moya at siyam pang kasalukuyan at dating opisyal dahil sa umano’y koneksyon sa Sinaloa Cartel.
Ayon sa kasong isinampa sa New York, pinaghihinalaan silang nakipagsabwatan sa cartel kapalit ng suhol at suporta sa politika, kabilang na ang halalan noong 2021 kung saan umano’y tinulungan ng cartel ang kampanya ni Rocha Moya.
Sinasabi rin sa reklamo na may mga opisyal na nagbigay ng impormasyon sa cartel para maharang ang mga katunggali sa pulitika.
Mariin namang itinanggi ni Rocha Moya ang mga paratang at sinabing bahagi ito ng political attack laban sa kanya at sa kanilang partido.
Ayon sa US Drug Enforcement Administration, patuloy umanong ginagamit ng cartel ang korapsyon at karahasan upang palawakin ang operasyon nito.






