Binigyan ng tatlong araw na palugit ang dalawang tsuper at may-ari ng dalawang jeep na sangkot sa karerahan sa Naguilian, Isabela upang magpaliwanag sa Land Transportation Office (LTO) kung bakit hindi sila dapat patawan ng administrative sanctions matapos ma-isyuhan ng showcause order.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Venancio Tuddao ng LTO Region 2, sinabi nito suspendido na rin ang lisensya ng dalawang tsuper at naka-alarm din sa system ng LTO ang mga jeep.
Pwede aniyang ipadala ang written explanation ang dalawang sangkot sa kanilang tanggapan subalit mas mainam kung magtutungo umano sila ng personal upang magpaliwanag.
Ayon kay Tuddao, maraming violations ang mga sangkot, ilan sa mga ito ay reckless driving at pagsasakay ng pasahero sa itaas ng jeep.
Dahil makikita sa video na nagbuga ng maitim na usok ang dalawang jeep habang nagkakarerahan, ipasusuri din ang mga ito ay pasok sa smoke belching.











