--Ads--

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi pa niya personal na nakikilala si Peter Haynes, ang itinalagang bagong lead counsel ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).

Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si VP Sara upang bisitahin ang kanyang ama na nakakulong kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa war on drugs sa panahon ng kanyang administrasyon.

Ayon sa bise presidente, hahayaan na lamang nila ang ICC na maglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa kaso.

Sa isang filing noong Mayo 8, iniulat ng dating abogado ng dating pangulo na si Nicholas Kaufman na balak kunin si Peter Haynes bilang bagong lead defense counsel.

--Ads--

Si Haynes ay isang British lawyer na may malawak na karanasan sa international criminal law at nagsilbi na ring abogado ng ilang high-profile clients sa ICC, bukod sa pagiging dating presidente ng ICC Bar Association.