Sinabi ng kampo ni Vice President Sara Duterte na wala siyang natatandaang account o transaksyon kaugnay ng joint BPI account nila ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay defense counsel Michael Poa, hindi naaalala ng bise presidente ang naturang account at sinabi nitong wala siyang naging transaksyon dito.
Kabilang sa na-flag ng prosecution ang ₱41.7-million manager’s check na umano’y binili gamit ang joint account nina Sara at Rodrigo Duterte.
Ayon sa BPI, may joint peso time deposit na binuksan noong 2010 sa pangalan nina Rodrigo at Sara Duterte, na may initial na ₱40.65 milyon at umabot sa ₱41.7 milyon matapos ang mga renewal at interes.
Sinabi ng defense na hindi nito nais pangunahan ang magiging depensa ni dating Pangulong Duterte kaugnay ng naturang account.
Samantala, kinumpirma ng Senate impeachment court na lumilitaw ang pirma ni Sara Duterte sa mga dokumentong pagbubukas ng account at ilang KYC records, ngunit wala umano ang kanyang pirma sa mga transaksyong kaugnay ng account na nagtatapos sa numerong 9539.











