--Ads--

Arestado ang isang lalaking kabilang sa mga wanted persons dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act sa Barangay Rizal, Santiago City.

Ang suspek ay itinago sa alyas “Ed,” 39 anyos, isang mekaniko.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Mobile Patrol Unit, Police Station 4, at City Intelligence Unit sa ilalim ng Santiago City Police Office.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong May 15, 2022 ng Regional Trial Court Branch 21 sa Santiago City kaugnay ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262. Nagtakda ang korte ng piyansa na ₱2,000 para sa pansamantalang kalayaan.

--Ads--

Ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Police Station 4 habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng korte.

Samantala, muling tiniyak ng Santiago City Police Office ang pagpapatuloy ng kanilang kampanya laban sa mga wanted persons at pagpapatupad ng batas upang mapanagot ang mga may kasong kriminal.