--Ads--

Posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa unang apat na araw ng kalakalan, tinatayang bababa ang presyo ng gasolina ng humigit-kumulang P0.40 kada litro, habang inaasahang mas malaki ang rollback sa diesel na aabot sa P8.50 kada litro. Maaari namang bumaba ang presyo ng kerosene ng hanggang P11.00 kada litro.

Gayunman, maaari pa itong magbago dahil may natitira pang isang araw ng trading na maaaring makaapekto sa pinal na galaw ng presyo.

Ayon sa mga ulat, bumaba ang presyo ng langis sa mga nakaraang araw matapos ipahayag ng Washington na umuusad ang negosasyon upang muling buksan ang Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng suplay ng langis.Gayunpaman, muling tumaas ng halos apat na bahagdan ang presyo ng langis noong Huwebes matapos ipahayag ng Iran na hindi nito bubuksan ang naturang strait hangga’t nananatili ang naval blockade ng United States, sa kabila ng pagpapalawig ng ceasefire.

--Ads--