--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 19 na pamilya o kabuuang 51 na indibiduwal ang inilikas sa bayan ng Sta. Praxedes sa Cagayan dahil sa epekto ng bagyong “Julian”.

Batay sa ulat ng MDRRMO Sta. Praxedes, ang mga inilikas ay mula sa Barangay Capacuan na may 3 pamilya na binubuo ng 5 indibiduwal;  Brgy. Centro 02 na may 7 pamilya na may 19 indibiduwal; Brgy. Portabaga na may 2 pamilya na may pitong indibiduwal;  Brgy. Salongsong na may 6 na pamilya  na may 19 na indibiduwal at Brgy. San Juan na 1 pamilya na may 1 indibiduwal.

Sa ngayon ay nasa iba’t ibang evacuation center ang mga inilikas na pamilya habang nagpapatuloy ang monitoring ng MDRRMO katuwang ang mga uniformed personnel sa kanilang nasasakupan.