--Ads--

Tatlong estudyante ang kumpirmadong nasawi habang 8 iba pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, kabilang sa mga nasugatan ang mga estudyanteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal. Patuloy naman ang koordinasyon ng ahensya sa lokal na pamahalaan ng Banga at sa paaralan para sa suporta sa mga biktima at kanilang pamilya.

Naka-deploy na rin ang mga social worker ng DSWD upang magbigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga estudyante at iba pang apektado ng insidente.

Samantala, agad na sinuspinde ng Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan dahil sa insidente.

--Ads--

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Department of Education at sinabi nitong nakikipag-ugnayan ito sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na pamahalaan at law enforcement upang tiyakin ang mga detalye ng insidente at makapagbigay ng kinakailangang tulong. Handa rin umano ang DepEd na maglaan ng psychological first aid at mental health at psychosocial support.

Samantala, sa naging pagpapahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, sinabi niya na isang nakakalungkot itong trahedya at kailangang maging mahinahon ang lahat habang kasalukuyan ang imbestigasyon ng mga otoridad.

This is a developing story.