--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang dalawang tao matapos bumangga sa barikada ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Rizal, Santiago City.

Ang mga biktima ay sina Percival Jamias, tatlumpu’t dalawang taong gulang at ang kanyang angkas na si Michael Satorio, dalawampu’t dalawang taong gulang at kapwa residente ng Ipil, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, patungo sa direksyon ng Brgy. Salvador ang dalawa at dumaan sa ginagawang by-pass road sa barangay.

Posible umanong hindi napansin ng tsuper ang mga gulong na ginamit bilang pansamantalang barikada.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa at agad naman silang isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuer.

Ayon sa pulisya inilagay ang nasabing barikada bilang pansamantalang harang dahil hindi pa naman bukas ang by pass road.

Depensa naman ng driver ay madilim sa lugar at hindi mapapansin ang barikada lalo na sa gabi.