--Ads--

CAUAYAN CITY – Sugatan ang dalawang mag-aaral matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Sitio Mayabaco, Brgy. Pingkian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ang mga sangkot ay ang Euro single motorcycle na minaneho ng labintatlong taong gulang na grade-8 student at sakay nito ang isang labing limang na taong gulang na grade-10 student, kapwa residente ng Brgy. San Fabian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ang isa pang sangkot ay ang Isuzu Dump Truck na minaneho ni Rey Agageo, tatlumpu’t siyam na taong gulang at residente ng Purok 5, Pinsao, Pilot, Baguio City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Kayapa Police Station na binabagtas ng mga sangkot ang magkasalungat na direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nag-overshoot umano ang motorsiklo at bumangga sa kasalubong na truck.

--Ads--

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat ang mga biktima na agad na dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Inaasahan namang maguusap ang magkabilang panig kaugnay sa posibleng maitulong ng tsuper ng truck sa mga menor de edad na nasugatan.