--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang tao matapos magbanggaan ang isang motorsiklo at truck na may kargang kalakal sa Guibang Bypass Road sa Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Senior Fire Officer 2 Wesley Austriaco ng BFP Gamu na ang tsuper ng motorsiklo ay si Elmer Angoluan Jr., 24-anyos, binata, water refilling delivery man habang ang kanyang kaangkas ay si Charles Castillo, 18-anyos, binata, mag-aaral at kapwa residente ng Naguilian Norte, City of Ilagan.

Ang tsuper naman ng Isuzu Truck ay si Virgilio Madrid, 46-anyos, may-asawa at residente ng Sto. Tomas, Alicia, Isabela.

Ang motorsiklo at truck ay patungo sa magkasalungat na direksiyon nang makarating sa pakurbang daan ay umagaw ng linya ang motorsiklo na nagsanhi ng kanilang banggaan.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Kaagad naman tumugon ang PNP Gamu at BFP Gamu na naka-deploy sa nasabing lugar.

Hinihinalang lango sa nakalalasing na inumin ang dalawang sakay ng motorsiklo. 

Nilapatan ng paunang lunas ng Rescue team ang mga sakay ng motorsiklo bago dinala sa pagamutan.

Mabagal lamang ang takbo ng truck at ang sakay ng motorsiklo ang hinihinalang nagkulang sa naturang aksidente.