--Ads--

Nagtipon sa Boston ang mga horror enthusiast upang makapagtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking pagtitipon ng mga taong nakasuot bilang si Michael Myers mula sa isang Halloween film.

Pinangunahan ng IllFonic, Gun Interactive, Compass International Pictures, at Further Front ang kaganapan sa PAX East expo kung saan 254 katao ang nagsuot ng asul na coveralls at nakakatakot na maskara—na orihinal na hango sa mukha ng aktor na si William Shatner. Kasabay nito, ipinakita rin ang unang playable demo ng paparating na video game na Halloween.

Ayon kay Miles Dompier ng, bilang malalaking horror fans, nakita na namin kung paano ipinapakita ng mga tagahanga ang kanilang pagmamahal sa Halloween sa iba’t ibang conventions. Kaya dinala namin mismo ang Myers’ House sa PAX East para ibahagi ang demo ng laro, at ito ang tamang pagkakataon para ipagdiwang ang fandom at punuin ang Boston ng Boogeyman.

Kumpirmado ng Guinness World Records na ang 254 kalahok ang opisyal na nagtakda ng rekord para sa “largest gathering of people dressed as Michael Myers.”

--Ads--

Ang bagong Halloween video game ay nakatakdang ilabas sa Setyembre 8.