--Ads--

CAUAYAN CITY– Ang kinaing panis na kanin ng 28 na cadet officer ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng Isabela State University Roxas Campus ang sanhi ng kanilang pagsakit ng tiyan.

Kinabibilangan ng sampong babaeng cadet officers at labing walong lalaking cadet officers ang nabiktima ng food posioning.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Quirino Parallag, Campus Administrator ng ISU Roxas Campus na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang kinaing na kanin ng mga Cadet officer ay mayroong kakabigang amoy na nagdulot ng kanilanmg pananakit ng tiyan.

Sunod sunod anyang sumakit ang tiyan ng mga biktima na dinala sa opsital.

--Ads--

Nakalabas na sa pagamutan ang dalawampu’t apat sa mga biktima at apat na lamang ang ginagamot sa pagamutan.

Mayroon namang insurance ang mga biktima ng food poisoning na gagamitin sa kanilang pagpapa-ospital .

Tinig ni Dr. Quirino Parallag

Tiniyak naman ni Dr. Parallag na wala nang dapat ipag-alala sa kalagayan ng kanilang mga cadet officers ng ROTC.