--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tatlong indibidwal sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Payac, Jones, Isabela. 

Ang mga sangkot na motorsiklo ay isang NMAX na minaneho ni Armando Lata, 41-anyos, may asawa at residente ng San Luis, Cauayan City at ang angkas nito ay si Sharmaine Layugan, 33-anyos at residente ng Naguilian, Isabela.

Ang tsuper naman ng isa pang motorsiklo ay kinilalang si Mario Martinez Dela Cruz, 49-anyos at residente ng San Isidro, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng motorsiklo ni Lata ang pambansang lansangan patungong bayan ng Echague nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang pumasok ang motorsiklo ni Dela Cruz sa highway na naging dahilan ng banggaan.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong lulan ng motorsiklo na agad namang naisugod sa pagamutan ng mga rumespondeng miyembro ng Rescue 422.

Ang mga sangkot na motorsiklo ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.