--Ads--

Ligtas na nakabalik sa Pilipinas kagabi, Marso 10, ang 32 Pilipino na kinabibilangan ng 23 OFWs, anim na dependents ng OFW mula Dubai, at tatlo pang OFWs mula Oman. Dumating sila sakay ng Flight WY843 na lumapag sa NAIA Terminal 1.

Sa tulong ng Rapid Response Team na binubuo ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy na minonitor ang kanilang kalagayan at inayos ang kanilang paglabas mula Dubai. Kabilang dito ang pagproseso ng kanilang mga travel documents at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng host country upang matiyak ang kanilang ligtas na pag-alis.

Bilang bahagi ng kanilang evacuation route, ligtas silang naihatid patungong Oman sa pamamagitan ng land travel. Doon ay pansamantala silang binigyan ng tulong at tirahan habang inaayos ang kanilang travel clearances at repatriation flight pauwi ng Philippines.

Pagdating sa paliparan, agad silang sinalubong at tinulungan ng DMW at OWWA kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang maayos na pagtanggap at arrival assistance.

--Ads--

Sa ilalim ng Pre at Post Repatriation Assistance Program ng pamahalaan, tumanggap ang mga OFW ng iba’t ibang tulong tulad ng airport assistance, pagkain, transportasyon, pansamantalang tirahan, psychosocial counseling, at serbisyong medikal upang matulungan sila sa kanilang muling pagbangon pagbalik sa bansa.