--Ads--

Arestado ang isang 68-anyos na lalaki na kilala sa alyas na “Teteng” matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong robbery sa Santiago City.

Batay sa ulat ng Santiago City Police Office (SCPO), naaresto ang suspek sa Padua Street, Purok 1, Barangay Plaridel sa isinagawang operasyon ng Police Station 2, katuwang ang City Mobile Force Company (CMFC) at City Intelligence Unit (CIU).

Ayon sa pulisya, nahaharap ang suspek sa kasong robbery batay sa Warrant of Arrest na inilabas ng Municipal Trial Court Branch 2 ng Santiago City.

May itinakdang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

--Ads--

Samantala, tiniyak ng SCPO ang pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa lungsod.