--Ads--
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

CAUAYAN CITY- Nasa pangangalaga na ng Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 757 piraso ng tarantula na nasabat ng Bureau of customs (BOC) noong martes sa Central Mail Exchange Center Pasay City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Director Crisanta Marlene Rodriguez ng Biodiversity Management Bureau ng DENR, kanyang inihayag na maaring nabibilang sa walo hanggang sampong species ng tarantula ang mga nasabat ng BOC.

Anya ang mga gagamba o tarantula na nasabat ng BOC ay mula sa bansang Poland at nakatakda sanang ipadala sa isang Jessie Camaro na residente ng Caloocan city.

Maari anyang ang mga tarantula ay gagamitin bilang libangan lamang subalit maaari rin nilang ibenta.

--Ads--