--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang lunsod at apat na barangay sa Isabela ang nagpatibay ng resolusyon na nagdedeklarang persona non-grata ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Idineklara ng Sangguniang Panlunsod ng Cauayan ang CPP-NPA na persona non-grata.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Bernard Dy na ang deklarasyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihayag na persona non-grata ang CPP-NPA sa buong bansa.

Sa kabila nito ay umaasa si Mayor Dy na hindi manggugulo ang makakaliwang grupo kundi makipagtulungan sila sa pamahalaan.

--Ads--
Ang tinig ni Mayor Bernard Dy

Unang nagpasa ng resolusyon ang mga barangay ng Sta Isabel Sur at Sta. Isabel Norte sa Ilagan City at mga barangay ng San Miguel at Benguet sa Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Remigio Dulatre, commanding officer ng 86th Infantry Battalion Philippine Army na sawa na ang mga tao sa panlilinlang ng mga NPA kaya sila ang humiling na ideklarang persona non-grata ang mga rebelde.

Natutuwa aniya ang militar sa nakikipagtulungan ng mga mamamayan sa kanila.

Angh tinig ni Lt. Col. Remigio Dulatre