--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilagdaan na ni Governor Rodito Albano ang Executive Order number 13 na layuning mas paigtingin pa ang paglalatag ng mga hakbang kontra coronavirus disease (COVID-19) dito sa Isabela.

Ito ay matapos na itaas ng DOH sa code red Status Level 1 ang COVID-19 sa bansa nang maitala ang kauna-unahang local transmission ng nasabing virus.

Inaatasan ng nasabing Executive Order ang mga government at private hospital sa lalawigan na magtaas ng kanilang alert status.

Maging ang mga kawani ng pamahalaan ay inaatasan ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk reduction and Management council na tumulong sa pagpapalaganap ng mga ulat at advisory na ibababa ng WHO, DOH at mga katuwang na ahensiya.

--Ads--

Nais rin ni Governor Albano na bumuo ng kani-kanilang task force ang Municipal at city mayor, Provincial Heath Board, City Health Office at Municipal Health Office sa bawat munisipalidad at lunsod sa lalawigan na siyang mangunguna sa pagtugon sa mga posibleng persons under investigation o mga maaaring tamaan ng nasabing virus.

Mahigpit na ring imomonitor ng Departmant of Trade and Industry (DTI) Isabela ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga establisyimento at pamilihan sa lalawigan upang matiyak na walang negosyanteng mananamantala sa presyo ng bilihin habang nakataas ng red alert status level one ang COVID-19 sa bansa.

Inaatasan rin ang Bawat himpilan ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga municipal health units sa kanilang nasasakupan para sa maayos na pagtugon sa ano mang maitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.