--Ads--

CAUAYAN CITY – Emosyonal na nanawagan sa mga mamamayan ng Pilipinas ang isang OFW sa Wuhan City, China na sundin ang mga pakiusap ng pamahalaan upang malabanan ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chai Roxas, OFW sa Wuhan City na mahalagang sundin ang sinasabing manatili sa loob ng bahay ang mga mamamayan.

Sinabi niya na mahalaga itong gawin upang labanan ang virus.

Anya, mahirap na maranasan ng Pilipinas ang naranasan sa Wuhan City dahil tiyak na hindi ito makakayanan ng pamahalaan ng Pilipinas kapag nagkaroon ng malawakang infections.

--Ads--

Sinabi niya na kahit ang mga mayayamang mga bansa ay hirap na pigilan ang virus at masuwerte pa rin sila dahil kaya nilang magpatayo ng ospital sa loob lamang ng sampong araw.

Kumpara sa Pilipinas na walang kakayahang suportahan ang mga mamamayan.

Ang tulong na magagawa ngayon ng mga mamamayan ay mag-stay home.

Tinig ni Chai Roxas.