--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy ang ginagawang hakbang ng mga otoridad para ligtas na mabawi ang dinukot na labimpitong American Christian missionaries, kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon sa ilang security officials sa Port-au-Prince, lulan ng bus ang mga biktima at patungo sanang airport nang mangyari ang pagdukot.

Umabot na sa 600 ang bilang ng mga naitalang insidente ng kidnapping sa Haiti ngayong taon.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti na ang mga dinukot na misyonaryo ay dumalaw sa isang orphanage project at papunta na sa paliparan nang dukutin sila ng mga armadong lalaki.

--Ads--

Talamak aniya ang kidnapping sa Haiti at hindi ito nagagawan ng paraan ng mga otoridad lalo na’t ngayon ay kumplikado ang sitwasyon sa naturang bansa matapos mapatay ang kanilang pangulo.

Ang mga local na dinudukot ay nagbabayad ng ransom.

Ayon kay Ginang Sylvain, wala pang detalye ang ginagawang hakbang ng mga otoridad sa mabawi ang mga dinukot na Amerikanong misyonaryo.

Bahagi ng pahayag ni Gng. Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti