
CAUAYAB CITY – Muling mamamahagi ang DA Region 2 ng mga biik ngayong taon.
Sinabi ni Regional Executive Director Edillo na mahigit limang libong sentinel at repopulation pig pa ang hindi nila naipamahagi noong nakaraang taon kaya mamahagi muli sila at posibleng sa buwan ng Marso.
Bukod dito ay may iba pa aniyang programa ngayong taon ang DA na tamang cluster ng pag-aalaga ng baboy.
Gayunman ang magiging benepisaryo lamang ng programang ito ay FDA o farmers cooperative at hindi indibiduwal.
Aniya, may dinisenyong building na dapat ito ang design na gagawin ng mga farmers cooperative.
May ibibigay ang DA na grant para ipagawa ang gusaling ito na biosecured.
Gayunman, dapat ang FDA ay may lupa, nasa isang kilometro ang layo mula sa mga kabahayan at handa silang makicounterpart lalo na sa mga tao na mag-aalaga.
Sinabi ni Regional Executive Director Edillo na iko-connect nila ang mga farmers cooperative sa City foods Corporation sa lunsod ng Ilagan at sila ang magsusuplay ng biik.
Kapag natuto na sila sa pag-aalaga nang biosecured ay puwede na silang magpalaki nang sarili nilang biik.
Aniya, ang City foods Corporation lamang sa buong bansa ang nakapagpakita na hindi naapektuhan ng ASF.










