--Ads--

CAUAYAN CITY– Namatay ang isang beautician at inaanak nito matapos pagbabarilin Barangay District 2, Cauayan City kagabi.

Ang mga biktima ay sina Lawrence Lagamia, 47 anyos , beautician, at taga Brethan Subdivision, Cauayan City at kanyang inaanak na si Angelica Pebenito, 27 anyos at residente ng Minante 1, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa ina ni Angelica na si Ginang Carmelita Pebenito, kaninang madaling araw nang puntahan siya ng ilan nilang barangay kagawad upang ipabatid na nasa pagamutan ang kanyang anak.

Hindi umano niya inaasahan na bangkay ng anak ang kanyang madatnan sa hospital.

--Ads--

Inaanak anya ni Lawrence si Angelica kayat malapit sila sa isa’t isa at naging magkaibigan.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagpatay sa dalawang biktima.